TL/Prabhupada 0001 - Palawakin Sa 10 milyon: Difference between revisions

(Created page with "<!-- BEGIN CATEGORY LIST --> Category:1080 Tagalog Pages with Videos Category:Prabhupada 0001 - in all Languages Category:TL-Quotes - 1975 Category:TL-Quotes - L...")
 
(Vanibot #0023: VideoLocalizer - changed YouTube player to show hard-coded subtitles version)
 
Line 9: Line 9:
[[Category:Tagalog Language]]
[[Category:Tagalog Language]]
<!-- END CATEGORY LIST -->
<!-- END CATEGORY LIST -->
<!-- BEGIN NAVIGATION BAR -- DO NOT EDIT OR REMOVE -->
{{1080 videos navigation - All Languages|Tagalog|TL/Prabhupada 1057 - Ang Bhagavad-gita ay kilala din bilang gitopanisad, ang pinakadiwa ng kaalamang Vedic|1057|TL/Prabhupada 0108 - Ang paglimbag at pagsalin ay kailangang ipagpatuloy|0108}}
<!-- END NAVIGATION BAR -->
<!-- BEGIN ORIGINAL VANIQUOTES PAGE LINK-->
<!-- BEGIN ORIGINAL VANIQUOTES PAGE LINK-->
<div class="center">
<div class="center">
Line 17: Line 20:


<!-- BEGIN VIDEO LINK -->
<!-- BEGIN VIDEO LINK -->
{{youtube_right|TG60mjnVoaw|Palawakin Sa 10 milyon<br />- Prabhupāda 0001}}
{{youtube_right|2tcUbGalayw|Palawakin Sa 10 milyon<br />- Prabhupāda 0001}}
<!-- END VIDEO LINK -->
<!-- END VIDEO LINK -->


<!-- BEGIN AUDIO LINK -->
<!-- BEGIN AUDIO LINK -->
<mp3player>http://vaniquotes.org/w/images/750406CC.MAY_clip.mp3</mp3player>
<mp3player>https://s3.amazonaws.com/vanipedia/clip/750406CC.MAY_clip.mp3</mp3player>
<!-- END AUDIO LINK -->
<!-- END AUDIO LINK -->



Latest revision as of 05:17, 12 July 2019



Lecture on CC Adi-lila 1.13 -- Mayapur, April 6, 1975

Prabhupāda: Ang sabi ni Chaitanya Mahaprabhu sa lahat ng mga acharyas... Nityananda Prabhu, Advaita Prabhu at Śrīvāsādi-gaura-bhakta-vṛnda, silang lahat ay tagadala ng mga kautusan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu. Kaya subukan na sundin ang landas ng prosesong acarya Nang sa gayon ang buhay ay magiging matagumpay. At upang maging ācārya ay hindi masyadong mahirap. Una sa lahat, upang maging napaka-tapat na lingkod ng iyong ācārya, mahigpit na sundin ang kanyang mga kautusan. Subukan mo siyang pasayahin at ipalaganap ang kaalaman tungkol kay Krishna Iyon lang. Ito ay hindi mahirap. Subukang sundin ang mga kautusan ng iyong Guru Maharaja at ipalaganap ang "Krishna Consciousness". Iyon ay ang kautusan ng Panginoong Chaitanya.

āmāra ajñāya guru hañā tāra' ei deśa
yāre dekha tāre kaha 'kṛṣṇa'-upadeśa
(CC Madhya 7.128)

"Sa pamamagitan ng pagsunod sa aking mga kautusan, ikaw ay magiging guro. " At kung mahigpit nating susundin ang sistema ng acarya at subukan ang lahat ng ating makakaya para maipalaganap ang instruksiyon ni Krishna.. Yāre dekha tāre kaha 'kṛṣṇa'-upadeśa (CC Madhya 7.128). Mayroong dalawang uri ng Krsna-upadeśa. Ang ibig sabihin ng Upadesa ay ang kautusan o instruksiyon. Utos na ibinigay ni Krsna, ay 'kṛṣṇa'-upadeśa,din at ang utos na natanggap tungkol kay Krsna, ay'kṛṣṇa'-upadeśa din Kṛṣṇasya upadeśa iti kṛṣṇa upadeśa. Samāsa, śāsti-tat-puruṣa-samāsa. At ang Kṛṣṇa viṣayā upadeśa, yan ay Kṛṣṇa upadeśa din. Bāhu-vrīhi-samāsa. Ito ang paraan ng pag-aaral ng Sanskrit grammar. Kaya ang Kṛṣṇa's upadeśa ay ang Bhagavad-gītā. Siya ay direktang nagbibigay ng instruksiyon. Kaya kung sino man ang nagpapalaganap ng Krsna-upadeśa, kailangan lang ulitin kung ano ang sinabi ni Krsna, at ng sa gayon ikaw ay magiging ganap na acarya. Hindi ganoon kahirap. Ang lahat ay nakasaad doon. Ang kaylangan lng nating gawin ay ulitin ang nakasaad gaya ng isang loro. Hindi eksaktong loro. Ang loro ay hind nitoi nuaunawaan ang kahulugan; siya ay gumagaya lamang. Kung kaya't kaylangan mo rin unawain ang kahulugan nito kung hindi, paano mo ito maipapaliwanag? Kaya gusto nating ipalaganap ang "Krishna consciousness" Kailangan mo lang ihanda ang iyong sarili kung paano ulitin nang napakamabuti ang mga kautusan ni Krsna,nang walang anumang maling pakahulugan. Nang sa hinaharap ... Ipagpalagay natin na ikaw ay may sampung libo sa ngayon dapat nating palawakin hanggang sa isang daang libo. Iyon ay kinakailangan. Pagkatapos daang libo hanggang sa milyon, at milyon hanggang sa sampung milyon.

Mga deboto: Haribol!! Jaya!

Prabhupāda: Kaya walang magiging kakulangan ng ācārya, at ang mga tao ay mauunawaan ang "Krishna Consciousness" ng napakadali. Kaya gumawa nang samahan o organisasyon. huwag maging mayabang. Sundin ang kautusan ng mga acarya. at subukang gawing perpekto at "mature" ang sarili. Pagkatapos ito ay magiging mas madali upang labanan ang Maya. Oo. ang mga Ācāryas, ay ipinahahayag ang digmaan laban sa mga gawain ng Maya.