TL/Prabhupada 0108 - Ang paglimbag at pagsalin ay kailangang ipagpatuloy



Room Conversation "GBC Resolutions" -- March 1, 1977, Mayapura

Prabhupāda: Kaya gayon pa man, ang paglimbag at pagsasalin ay kaylangang ipagpatuloy. Iyon ay ating pangunahing tungkulin.. Ito ay hindi maaring tumigil. Dapat ipagpatuloy. Kagaya ng walang tigil na pagsusumikap, marami tayo ngayong literaturang hindi. Ako ay nagpupumilit lamang, "Nasaan ang lenggwaheng Hindi? Nasaan ang lenggwaheng Hindi?" Kung kaya itoy nagkaroon ng totoong anyo. At ako'y patuloy lamang sa pangungulit sa kanya: "Nasaan ang lengwaheng Hindi? Nasaan ang lenggwaheng Hindi?" Kung kaya ito ay ginawa niyang realidad. Katulad din sa wikang Pranses, na napakaimportante, kailangan nating magsalin at maglimbag ng maraming -maraming libro hanggat maaari. "Maglimbag ng libro" ibig sabihin meron na tayong libro. Kailangan lamang nating isalin sa isang partikular na lengguwahe at ilathala ito. Iyon lang. Ang ideya ay nandoon na. Hindi mo na kaylangang gumawa pa ng ideya. Ang france ay napakahalagang bansa. Kaya ang palilimbag at pagsasalin ay kailangang maipagpatuloy. Iyan ay kahilingan ko.