TL/Prabhupada 0204 - Ako ay pinagpala ng aking Guru. Ito ay Vani
Morning Walk -- July 21, 1975, San Francisco
Prabhupāda: Kailangang pareho mo silang pakisamahan. Guru-kṛṣṇa-kṛpāya pāya bhakti-latā-bīja (CC Madhya 19.151). Ang kṛpā ng guru at kṛpā ni Krsna, dapat ito ay magkasama. At may matatanggap o may matatamo ka.
Jayādvaita: Labis kaming nasasabik na makuha ang guru-kṛpā.
Prabhupāda: Sinu?
Jayādvaita: Kami, kaming lahat.
Prabhupāda: Oo. Yasya prasādād bhagavat-prasādaḥ. Kung makukuha ninyo ang kṛpā ng guru, awtomatikong makukuha niyo rin ang ang kay Krsna.
Nārāyaṇa: Ang Guru-kṛpā ba ay nagmumula lamang sa pamamagitan ng ikalulugod ng espirituwal na master, Śrīla Prabhupāda?
Prabhupāda: Kung hindi man, sa anong paraan?
Nārāyaṇa: Mawalang galang po?
Prabhupāda: Kung hindi man, sa anong paraan nga ba ito matatamo?
Nārāyaṇa: Paano naman po yung mga disipulo na walang pagkakataon na makita at makausap po kayo.
Prabhupāda: Iyan ay kanyang inihayag, vāṇī at vapuḥ. Kahit na hindi niyo nakikita ang kaniyang katawan, dalhin mo ang kaniyang utos o salita, vani.
Nārāyaṇa: Pero paano po nila malalaman na sila ay nakalulugod sa inyo, Śrīla Prabhupāda.
Prabhupāda: Kung talagang susundin mo ang mga salita ng guru, ito ay nangangahulugan na siya ay nalulugod. At kapag hindi ka sumunod, paano siya masisiyahan?
Sudāmā: Hindi lamang yan, ngunit ang iyong awa ay kumakalat sa lahat ng dako, at kung sasamantalahin natin, sinabi mo sa amin isang beses, saka natin mararamdaman ang resulta.
Prabhupāda: Oo.
Jayādvaita: At kung mayroon man tayong tiwala o pananampalataya sa kung ano man ang utos ng guru sa atin, awtomatiko nating gagawin iyon.
Prabhupāda: Oo. Aking Guru Maharaja ay pumanaw noong 1936, at sinimulan ko itong kilusan nuong 1965,matapos ang tatlumpung taon. Kung kaya't? natanggap ko ang pagpapala ng aking guru. Ito ay ang vani. Kahit na sa pisikal wala ang guru sa kasalukuyan, kung susundin mo ang vani, samakatwid ikaw ay makakatanggap ng tulong.
Sudāmā: Kaya kailan man ay walang pagaalinlangan tungkol sa paghihiwalay o pagkakalayo hangga't ang isang disipulo ay sumusunod sa turo ng guru.
Prabhupāda: Wala. Cakhu-dān dilo jei... Ano ang kasunod?
Sudāmā: Cakhu-dān dilo jei, janme janme prabhu sei.
Prabhupāda: Janme janme prabhu sei. Kung kaya nasaan ang paghihiwalay? Ang siyang nagmulat sa iyong mga mata, siya ay iyong prabhu , kapanganakan pagkatapos ng iyong kapanganakan.
Paramahamsa: Hindi po ba kayo nakaramdam ng anumang matinding emosyon o lungkot sa pagkahiwalay mula sa iyong espirituwal na master?
Prabhupāda: Iyan ay hindi mo na kailangang itanong.